Wednesday, November 30, 2005

Kay Kristo natagpuan

Kay Kristo natagpuan
by Bella Angeles Abangan

I never knew a night so black,

Light failed to follow in the track,

I never knew a storm so gray,

It failed to have its clearing day.

I never knew such bleak despair

That there was a rift somewhere,

I never knew an hour so dear,

Love could not fill it full of cheer.

Ang walong linyang tula ay sinulat ni John Kendrick Bang. Nagpapaliwanag ang tula na kahit na anong lagim ng problema ay malulunasan din ito ng mahiwagang ilaw mula sa Kanya.

Narito ang isang istorya na umiikot sa isang Russong nobelista. Siya ay si Fyodor Dostoevsky.

Ang nobelistang ito ay anak ng isang army doctor. Ang kanyang ina ay namatay noong siya ay 16 na taon lamang. Noong siya ay 18 taon na ang kanyang ama ay pinatay at hindi na nahuli ang kriminal.

Mula noon siya ay naging lasenggo. Ang dakilang nobelista ay naging pusakal at sugalero. Nagkaroon siya ng malaking utang sa iba’t ibang tao dahil sa sugal.

Napasama siya sa mga aktibista. Sumulat si Dostoevsky laban sa pamahalaan. Tinuligsa niya ang puno ng Russia, ang TSAR.

Isa siya sa mga hinuli. Nakasama niya sa bilang-guan ang mga kaibigan niyang pawang rebelde.

Ang pataw sa kanila ay kamatayan. Nang malaman ito ng TSAR na mahilig sa drama ay ganito ang kanyang pinagawa:

Kapag nakahanda na silang barilin at bumilang na ay darating ang isang government official na babasahin na hindi matutuloy ang pagbaril. Ang petsa noon ay Disyembre 22, 1849.

Ang parusa sa halip na kamatayan ay walong taon na hard labor sa Siberia. Sobra ang pag-ulan doon ng yelo.

Bawat isa sa kanila ay may bolang bakal na naka-tali sa paa na may tanikala. Hihilahin sila ng isang malaking kariton o open sleigh.

Habang hinihila sila ay maririnig ang tunog ng mga batingaw. Inihuhudyat na PASKO na.

Tumigil sila sa isang kampo. Sinalubong sila ng mga babae na may regalo na maliliit na kahon. Ang laman ay tsokolate’t kendi, ngunit ang natapat kay Dostoevsky ay isang maliit na Biblia ng New Testament.

Ang librong iyon ang kapiling ni Dostoevsky sa loob ng walong taon. Ang maliit na aklat, ang Biblia, ang nagbigay buhay sa bilanggong ito.

Sa bawat pahina ay naiisip ni Dostoevsky ang buhay ni Jesus at ang mga taong ginamot at tinuruan Niya.

Ang munting aklat ay tumutulong sa kanya upang pagtiisan ang matinding lamig, ang hirap ng trabaho, at kaunting lugaw na rasyon.

Nang lumaya na si Dostoevsky ay kasama niya lagi ang Biblia saan man siya pumunta. Noong huling sandali niya sa mundo ay iniabot niya ito sa kanyang anak, si Fedya na isang bata, at binulungang: "Mahalin mo at gamitin…"

Ito ang pagtatapat ni Dostoevsky, nabuhay ng animnapung taon sa mundo:

"I believe that there is nothing more beautiful, more profound, more sympathetic, more reasonable, more manly and more perfect that Christ."

Saturday, November 12, 2005

Mapagtatagumpayan ang takot

Mapagtatagumpayan ang takot
By Bella Angeles Abangan

The greatest obstacle of human progress is FEAR and the various forms it takes in human lives are countless. Fear has all the imagine obstacles or difficulty that weakens purposes; the dread of impending failure that paralyzes efforts, the poor comprehensions of the troubles that tomorrow may bring; the haunting anxiety that depresses the heart, disturbs digestion and poisons blood, the worry that may (thay which never yet have happened) destroy the joy of living in the present, every thought of possible disappointment, accident, sickness, death - all these represent all the fear thought that take possession of men and women thus defeat life's true purpose.

Ang siniping-sabi ay mula sa panulat ni Dr. Orison Marden. Ang dapat katakutan ay ang takot. Ito ay sumisira ng isip at katawan kasama ang damdamin.
Bakit maraming pasyente sa Mental Hospital sa lahat ng bansa. Ang mga pasyente ay isip nang isip at hindi naman nila kayang lutasin ang kanilang problema.
Marami sa kanilang iniisip ay hindi naman nangyayari.
Isang mister na umuwi nang gabing-gabi pagkat siya'y naglasing. Nagyaya siya ng mga kainuman at siya ang taya sa okasyong iyon. Bakit siya naglasing?
Nagsimulang mag-alis ang may-ari ng kompanya ng mga tauhan. Natatakot siya na siya na ang susunod. Hindi na siya pumasok. Nagpasabi ang manager na anim lamang silang ititira.
Inunahan niya ang kanyang sarili ng takot. Hindi niya alam dahil sa ganda ng kanyang performance ay napasama siya sa hindi tatanggalin.
Narito ang isang istorya tungkol kay Alice. Nagsabi si Eden, ina ni Alice sa asawa na naglilihi ang kanilang kaisa-isang babae. Apat ang kuya ni Alice.
Ibinalita ni Eden kay Pete na suka nang suka si Alice tuwing umaga. Nagpabili ito ng gatas sa ina bilang almusal.

Magtatapos na si Alice ng medisina. Kaklase niya si Manny. Sa Marso ay doktor na sila pareho.
Malimit kumain si Alice ng mga merienda. Ngunit gatas lamang at biskuwit ang kinakain nito sa halip na kanin at ulam.

Nagpipigil ang mga magulang ni Alice na kausapin ang anak. Abala ito sa pag-aaral. Malapit na ang kanilang finals. Malimit ay sa sala nagrereview ang magnobyo. Nagpapahanda ang kanilang anak na masarap na hapunan at merienda sa hatinggabi. Masarap na almusal ang kanilang kinakain sa umaga.

Noong matapos na ang eksamen ay kinausap ni Alice ang kanyang ina. Inabot nito sa ina ang dalawang prescriptions sa ulcer.
"Hindi ko po masabi sa inyo, Mommy, na malala na ang aking ulcer dahil lagi akong nagmamadali noon. Hindi po ako kumakain ng almusal. Tinitipid ko po ang aking baon. Hindi na po ako bumibili ng sandwich. Mabait po si Manny. Siya po ang nagdadala sa akin ng tinapay…"
Inabutan ng malaking alawans si Alice na talon nang talon dahil sa dinoble ang kanyang alawans.
Nagpasalamat sa Diyos si Eden. Nagdasal siya nang buong taimtim.
"Salamat po, Poon. Makapagsusuot din ang anak ko ng trahe sa kanyang kasal. Iyan po ang pangarap ko na hindi natupad. Tiyak na matutuwa si Pete sa ibabalita ko sa kanya."

Friday, November 11, 2005

Manalig kesa matakot

Manalig kesa matakot

by Bella Angeles Abangan


My mind is torn by questions deep,
But while I rest my Father takes,
And mends my weary soul with sleep.
Noong tumakbo na ang mag-ama pagka’t parating na ang lahar sa kanilang pook ay nagtanong ang ama sa anak:
"Natatakot ka ba, Allan?"
"Hindi po kasi nakakapit po ako sa inyo."

Iyan ang tugon ng limang taong gulang na anak. Hindi siya makarga pagka’t dalawang kapatid niyang maliliit ang kilik sa magkabila ng ama. At dala ng ina ay balutan ng mga damit at pagkain.
Hindi tayo dapat matakot sa anumang problemang dumating sa ating buhay kung nakahawak tayo sa Panginoon.
"Mahal, hindi ka ba natatakot na wala ako sa piling ninyong mag-iina sa pagtungo ko sa Dubai?"
"Ano ‘Ling ang ikatatakot ko? Nasa atin naman ang Diyos. Nakaugnay tayo lagi sa Kanya."
Narito ang maikling kasabihan:
Fear knocked on the door.
Faith answered,
"No one is here."
Ganyan kalakas ang pananalig. Biglang nawala ang takot sa puso nang buksan siya ng pananalig.
Narito ang isang tanawin noong February 1945. Naroon ang mag-anak na Torres sa tabi ng dagat sa Bataan. Ang kanilang gamit ay nakabalot sa kumot. Naroon lahat ang mga dala nilang mangga.
Kumalat sa Bataan ang balita na darating ang mga Hapon para sa ikalawang sona. At lalo raw silang mabagsik kaysa noong una. Ang pinatay nila noon ay may 46 biktima na pinagbintangang mga gerilya.
Madaling-araw noon. Naroon ang takot sa puso ng ina. Nakita nila sa malayo ang huling bangkang aalis na punung-puno rin ng mga tao.
"Hindi na yata tayo makakaalis. Hindi ka ba natatakot?" Iyan ang tanong ng babae sa kanyang asawa.
"Anong ikatatakot ko? Iniligtas ng Diyos sina Jasmin at Ernie sa tiyak na kamatayan sa unang sona. Ililigtas Niya rin tayo."
Maya-maya ay lumapit ang bangkero ng paalis na bangka at nagsabi:
"Tiyo Lito halina kayo, maisisingit namin kayo at ang tatlo ninyong mga anak. Huwag na lamang ninyong dalhin ang mga balutan ninyo, sa ilalim ng puno na lang ninyo muna ilagay."
Noong nasa gitna na sila ng dagat pagkatapos ng ilang oras na paglalayag ay nakita nila naglalagablab ang Kamaynilaan. Ito ang bulong ng ama sa sarili na kalung-kalong ang bunsong si Ernie:
"Salamat Panginoon matatapos na rin ang giyerang ito. Salamat sa mga biyaya Ninyo."
Ang ama lamang ang nakakaalam ng mga biyayang iyon. Umiiyak ang batang puso ng bunso noon. Isa sa mga balutan na nasa ilalim ng puno ay ang album ng kanilang pamilya at ang kanyang luma at pinakaiingatang manika na si Dolly.
Ngayon niya natuklasan na walang halaga ang mga materyal na bagay. Ang importante ay buhay at ang kanilang kaluluwa.
Huwag nating paiiralin ang takot sa ating puso, basta manalig lang tayo sa Kanya. ‘Di niya tayo pababayaan sa oras na takot tayo.

Thursday, November 10, 2005

Tanim para sa langit

Tanim para sa langit
by Bella Angeles Abangan

Do something for somebody, gladly,
It will sweeten your every care;
In sharing the sorrow of others
Your own are less hard to bear.
Do something for somebody always
Whatever may be your creed;
There’s nothing on earth can help you

So much as kindly as deed.Pinakamagandang dapat mangyari sa isang taong malapit nang bawian ng buhay ay ang magunita niyang marami pala siyang tanim at wala siyang atraso sa kapwa.
Pinakamainam na nangyari sa isang tao ay ang wala siyang kagalit na sinumang tao.
Ang kanyang tinanggap na mga biyaya ay kanyang ibinabahagi at kung wala man ay nakagagawa siya ng maganda sa kapwa. Kapag napapagaan niya ang krus na pasan ng mga kaawa-awa.
Narito ang istorya ng isang dalaga na ang naging patakaran na niya sa buhay ay ang tumulong nang tumulong sa kapwa.
Kung walang pasok sa eskwela si Maricar ay naroon siya sa simbahan at kasama sa mga Reachout Program ng kanilang samahan.
Isang hapon ay kasama ni Maricar ang mga bata. Pauwi na sila noon. Galing sila sa simbahan noong hapong iyon. May tumigil na isang magarang kotse. Ang nakasakay ay isang may edad nang Amerikano at ang kanilang kapitbahay na si Mang Mario.
Sinabi ng Amerikanong si Mr. Roger White na kamukhang-kamukha siya ng kaisa-isang niyang anak na namatay. May dimple si Maricar sa magkabilang pisngi. Ganoon din ang kanyang yumaong anak.
Ibinigay ng matanda ang kanyang calling card. Siya ay isang consultant sa isang computer company. Kaya siya nagawi sa pook na iyon ay ibig ng Amerikano na dalawin ang pamilya ng mabait niyang tsuper na si Mang Mario.
At ipinayo ng Amerikano na kumuha si Maricar ng Computer Programming. At kung ibig pumunta sa States ay sulatan lamang siya.
Lalong naging lubusan ang paanyaya ni Mr. White sa dalaga nang malaman nito na putol ang dalawang paa ng ama ni Maricar. Nabagsakan ito ng malaking kahon na itinataas ng crane noong nakadestino ito sa isang konstruksyon sa Cotabato.
Dumaan ang maraming taon. Naroon na sa States si Maricar. Maraming padalang pera si Maricar sa mga alaga niyang mga bata sa pook na iyon. Kasama-sama niyang nag-aaral doon si Anita, ang mabait na anak ni Mang Mario.
Marami siyang tanim kaya’t ani siya ng ani. Ang mga spiritual seeds na inihasik ni Maricar sa mga puso ng kanyang mga estudyante sa katekismo ay inaani na niya.
Kasama-sama noon ni Maricar si Anita sa pagtuturo sa mga batang hindi pa nag-aaral sa kanilang pook.
Napakabuti ng Diyos, kung gumanti ay labis-labis at umaapaw pa.

Friday, November 04, 2005

Pagpapalaki sa anak

- -
-Pagpapalaki sa anak
by Bella Angeles Abangan

Before your child has come to seven,

Teach him well the way to heaven,
Better still the truth will thrive,
When he knows it when he is five.
Best of all if at your knee
He learns it when he is only three.Hindi nagpakilala ang sumulat ng maikling tula. Sinasabi na higit na mabisa ang kuwento at payo ng magulang kung siya ay tatlong taon pa lamang.
Sinabi ng isang paham na ibigay sa kanya ang unang anim na taon ng bata at ang susunod na mga taon ay ikaw na ang magpalaki.
May katigasan na ng loob ang batang pito at pataas na edad. Mahirap na silang hutukin. Kailangan hanggang maaga ay paupuin sa isang sulok ng bahay ang bata.
Dapat mga kuwento ang ibibigay muna sa kanya. Mga kuwentong madaling maunawaan.
Narito ang istorya ng anim na magkakapatid. Dahil sa walang laging trabaho si Emer ay kinuha ng mga kapatid nila ang apat nilang mga anak upang sila ang magpa-aral. Mula sa Grade One ay kanila nang sinusundo ang mga anak nina Emer at Lucy. Naiwan ang dalawang maliit.
Pumayag naman ang mag-asawa pagka’t maykaya ang kanilang apat na kapatid na pinuntahan ng kanilang apat na anak.
Natutuwa ang mag-asawa pagka’t nabigyan na nila ng pundasyon ang mga bata bago umalis. Sa gulang nilang anim na taon ay marunong nang magdasal ang kanilang anak. Naturuan na nila kung paano aayusin ang kanilang mga damit. Marunong maghain ang bata at mag-ayos ng kanyang higaan.
Anim na taon pa lamang ay marunong nang bumasa ng Pilipino. Nagsisimulang mag-aral bumasa sila ng Ingles.
Sa mga dinatnan nila na pamilya ay naroon ang paghanga. Sa kanilang mga pinsan ay naroon ang kanilang pagkagulat na bata pa ang kanilang pinsan ay marunong na ng lahat.
Sa kanilang pagdarasal ng rosaryo ay iyong bagong dating nilang pinsan ang namumuno.
Sa paggising nila sa umaga ay naroon na ang pinsan nila at tumutulong sa kusina.
Maganda ang pagpapalaki na ginawa ng mag-asawa. Ang ikinabubuhay ng mag-asawa ay ang kanilang maliiit na sari-sari store.
Kaya’t magkatulong ang mag-asawa sa paghubog sa buhay ng kanilang mga anak. Naroon ang mag-asawa sa pagtatapos ng kanilang mga anak. Sila ang nagsasabit ng lasong may medalyang ginto.
Tuwang-tuwa ang mga Tita at Tito nila pagka’t ang munting anghel na dumating ang naging huwaran ng kanilang mga anak.
Sina Benjie, Ligaya, Cathy at Ronald ay naging ulirang mga anak at naging huwaran sa kanilang mga pinsan.
Natutuwa sina Emer at Lucy pagka’t ang ginawa nilang paglinang sa puso, isip at kaluluwa ng mga bata ang naging puhunan nila sa maganda nilang bukas.-