Monday, December 19, 2005

Biyaya ang makipag-ugnayan

Biyaya ang makipag-ugnayan
by Bella Angeles Abangan

A love of reconciliation is not weakness or cowardice. It demands courage, nobility, generosity, an overcoming of oneself rather than of one’s adversary. In reality, it is the patient, wise art of peace, of loving, of living with one’s fellow, after the example of Christ, with a strength of heart and mind modeled on Him.

Ang sumulat ng talata sa itaas ay si Anthony P. Castle. Sinasabi sa itaas na ang unang bumati ay may grasya. Ito ay sinulat ni Edmund Burke:

"It takes two sides to make a lasting peace, but it only takes one to make the first step."

Narito ang isang istorya tungkol sa isang mayamang lalaki na biyudo, si Don Pepe.

Nang malaman niyang nagdadalang-tao ang kanilang kusinera anak ng kanilang labandera ay dinala niya agad ang kanyang nag-iisang anak sa Amerika. Iniwan niya si Bobb sa kanyang kapatid na panganay. Hindi muna niya ito pinag-aral. Iyong mag-ina ay pinalayas niya.

Iisa ang naiwan sa kanyang katulong. Si Edgar, ang kanyang tsuper. Hindi makaalis si Edgar pagkat maraming utang ang ama nito.

Isang hatinggabi ay nakatanggap ng long distance si Don Pepe. Kailangang pumunta siya agad sa America. Nagpakamatay si Bobby. Halos himatayin si Don Pepe.

Naroon siya at nagsisisi. Hindi niya akalaing mahal na mahal ni Bobby si Nene, ang dalagitang kusinera nila, anak ni Salud, kanilang labandera.

Tinawagan ni Don Pepe si Concita, bunso niyang kapatid na babae. Kukunin niya ang bangkay ni Bobby. Ipasusunog niya ang bangkay nito upang maiuwi niya agad.

Naroon ang matinding pagsisisi sa puso ni Don Pepe, pagkat maaari naman niyang tanggapin si Nene. Mabait ang dalagitang ito.

Ipinagluluto pa siya nito ng special na ulam pagkat may sakit siyang diabetes.

Sa pagbabalik ni Don Pepe ay hinarap niya ang paghahanap kay Nene at sa ina nito. Nang magtungo si Don Pepe sa pook na tinitirhan ng mag-ina ay wala na roon sila. Ginibang lahat ang mga barung-barong doon.

Walang makapagturo kung saan lumipat ang mag-iina. May lumapit kay Don Pepe at sinabi kung saan matatagpuan si Nene at ang ina nito. Sila ay umuwi na sa Cebu City. Magtitinda daw muli ang ina ni Nene sa palengke ng Carbon. Ang dating tinitinda nito ay isda.

Umupa ng detektib si Don Pepe. Sinabi pa ng kausap ni Don Pepe na kasama raw ng mag-ina si Sonny Boy.

Lalong naging masidhi ang pagnanais ni Don Pepe na kunin ang mag-iina lalo na ng kanyang apo. Dugo ni Sonny Boy.

Iyon lamang ang paraan upang matuwa ang kanyang anak saan-man siya naroon. Kailangang tangkilikin niya ang mag-ina.

Hindi na hinihintay ang ulat ng kanyang detektib. Pinapunta niya muli si Conchita upang magbantay sa bahay. Nagtungo si Don Pepe sa Cebu. Kasama niya si Edgar at hinanap nila Carbon market. Inisa-isa ni Edgar ang mga tindera ng isda. Sa dulo ay naroon si Salud, ang ina ni Nene.

Noon din ay isinama si Don Pepe sa bahay na tinutuluyan nilang mag-ina. Kinarga agad ni Don Pepe si Sonny Boy.

Umiyak si Nene nang malamang patay na si Bobby. Noong hapong iyon ay sakay lahat sila ng eroplano. Masayang-masaya si Don Pepe. Sinasabi niya na si Sonny Boy ang kapalit ng anak niyang si Bobby, ang kanyang tagapagmana.

Isinumpa ni Don Pepe sa Diyos na magbabagong-buhay na siya. Hindi na siya magiging mapagmataas. Nagpapasalamat siya sapagkat binigyan pa siya ng Panginoon ng isa pang pagkakataon.

Thursday, December 01, 2005

Walang katumbas ang buhay

Walang katumbas ang buhay
by Bella Angeles Abangan

Life is a gift to be used everyday,

Not to be smothered and hidden away,

It is not a thing to stored in the chest,

Where you gather your keepsakes

And treasure your best

Get out and live each hour of the day,

Wear it and use it as much as you may,

Don’t keep it in niches and corners and grooves,

You will find that in service its beauty improves.

Ang tula ay sinulat ni Edgar A. Guest. Ang tanyag na makata ay sumusulat ng tungkol sa buhay, sa ating nadarama sa puso, tungkol sa ating mga pangarap at iba pa.

Itong buhay ay mahalin at gamitin nang wasto. Iyan ang payo ni Edgar.

Narito ang isang dalaga, masisinag sa kanyang mukha ang matinding problema.

Naroon sa kabilang bangko sa Luneta o Rizal Park ang isan ring dalaga na punung-puno ng buhay.

Hinihintay niya ang kanyang dating kaklase sa haiskul. Dadalawin nila ang kanilang kaibigan sa haiskul na nagtangkang magpakamatay, si Beth.

Nilapitan ni Alona ang payat na payat na dalaga sa kabilang bangko.

Nagpakilala si Alona at nagpakilala rin ang dalagang umiiyak – si Jasmin.

Ipinagtapat ni Jasmin na ibig niyang tapusin ang kanyang buhay pagka’t niloko siya ng kanyang boyfriend. Pagkatapos siyang "isahan" ay nagpakasal sa iba. May isang linggo na siyang hindi kumakain at hindi natutulog. May isang linggo na rin siyang hindi pumapasok sa klase.

Ito ang paliwanag ni Alona.

"Maaari pala tayong magtatag ng club – "Samahan ng mga Nagbabagong Buhay" sa halip na "Samahan ng mga Sawi."

"Ganoon din kami ni Susan, ang aking kasamang dadalaw kay Lagring. Si Susan ay dalagang ina. Ang nobyo niya ay umalis nang walang paalam. Naroon na siya sa States. Itong si Lagring na aming dadalawin ay uminom ng muriatic acid. Mabuti at nakita siya ng kanyang Mommy. Kakaunti ang kanyang nainom. Itinakbo siya agad sa ospital. Mabuti naman at naagapan. Alam mo kaming tatlo ay nagsisisi kung bakit tatapusin namin ang aming buhay dahil lamang sa lalaki. Lumaban tayo sa ating kapalaran. Maari naman nating ibahin ang takbo ng ating buhay. Iisa ang ating buhay. Hindi na tayo muling isisilang. Isa pa kung nagkamali tayo ay bumangon at magpatulong tayo sa Diyos."

Maraming napangaral si Alona kay Jasmin. "Maganda na tanggap tayo ng tanggap ng dumarating. Nariyan si Lord at tayo ay tutulungan. Ang Panginoon ang nagbigay ng buhay. Wala tayong karapatang kunin ang ating buhay."

Dumating si Susan na magandang-maganda. Higit na maganda siya ngayon kahit siya ay may anak sa lalaking walang puso.

Dumalaw ang tatlo kay Lagring at nagkasundo na magkikita sa pook na iyon minsan sa isang buwan at kasama na si Lagring.

Ang kanilang motto ay ito:

"Pagandahin ang buhay sa lahat ng anggulo…"

Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Lagring pagka’t noon din ay ibig na ni Lagring lumabas. Gagawin daw nilang consultant si Lord para walang sabit. At bago sila nagkahiwa-hiwalay ay ginawa nila ang unang motto:

"Diyos muna bago ang lahat."