Saturday, November 12, 2005

Mapagtatagumpayan ang takot

Mapagtatagumpayan ang takot
By Bella Angeles Abangan

The greatest obstacle of human progress is FEAR and the various forms it takes in human lives are countless. Fear has all the imagine obstacles or difficulty that weakens purposes; the dread of impending failure that paralyzes efforts, the poor comprehensions of the troubles that tomorrow may bring; the haunting anxiety that depresses the heart, disturbs digestion and poisons blood, the worry that may (thay which never yet have happened) destroy the joy of living in the present, every thought of possible disappointment, accident, sickness, death - all these represent all the fear thought that take possession of men and women thus defeat life's true purpose.

Ang siniping-sabi ay mula sa panulat ni Dr. Orison Marden. Ang dapat katakutan ay ang takot. Ito ay sumisira ng isip at katawan kasama ang damdamin.
Bakit maraming pasyente sa Mental Hospital sa lahat ng bansa. Ang mga pasyente ay isip nang isip at hindi naman nila kayang lutasin ang kanilang problema.
Marami sa kanilang iniisip ay hindi naman nangyayari.
Isang mister na umuwi nang gabing-gabi pagkat siya'y naglasing. Nagyaya siya ng mga kainuman at siya ang taya sa okasyong iyon. Bakit siya naglasing?
Nagsimulang mag-alis ang may-ari ng kompanya ng mga tauhan. Natatakot siya na siya na ang susunod. Hindi na siya pumasok. Nagpasabi ang manager na anim lamang silang ititira.
Inunahan niya ang kanyang sarili ng takot. Hindi niya alam dahil sa ganda ng kanyang performance ay napasama siya sa hindi tatanggalin.
Narito ang isang istorya tungkol kay Alice. Nagsabi si Eden, ina ni Alice sa asawa na naglilihi ang kanilang kaisa-isang babae. Apat ang kuya ni Alice.
Ibinalita ni Eden kay Pete na suka nang suka si Alice tuwing umaga. Nagpabili ito ng gatas sa ina bilang almusal.

Magtatapos na si Alice ng medisina. Kaklase niya si Manny. Sa Marso ay doktor na sila pareho.
Malimit kumain si Alice ng mga merienda. Ngunit gatas lamang at biskuwit ang kinakain nito sa halip na kanin at ulam.

Nagpipigil ang mga magulang ni Alice na kausapin ang anak. Abala ito sa pag-aaral. Malapit na ang kanilang finals. Malimit ay sa sala nagrereview ang magnobyo. Nagpapahanda ang kanilang anak na masarap na hapunan at merienda sa hatinggabi. Masarap na almusal ang kanilang kinakain sa umaga.

Noong matapos na ang eksamen ay kinausap ni Alice ang kanyang ina. Inabot nito sa ina ang dalawang prescriptions sa ulcer.
"Hindi ko po masabi sa inyo, Mommy, na malala na ang aking ulcer dahil lagi akong nagmamadali noon. Hindi po ako kumakain ng almusal. Tinitipid ko po ang aking baon. Hindi na po ako bumibili ng sandwich. Mabait po si Manny. Siya po ang nagdadala sa akin ng tinapay…"
Inabutan ng malaking alawans si Alice na talon nang talon dahil sa dinoble ang kanyang alawans.
Nagpasalamat sa Diyos si Eden. Nagdasal siya nang buong taimtim.
"Salamat po, Poon. Makapagsusuot din ang anak ko ng trahe sa kanyang kasal. Iyan po ang pangarap ko na hindi natupad. Tiyak na matutuwa si Pete sa ibabalita ko sa kanya."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home